Sinasabi ko ito hindi dahil kayo’y hinahanapan ko ng tulong. Natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. Naranasan ko ang maghikahos. Naranasan ko rin ang managana. Natutuhan ko nang harapin ang anumang katayuan: ang mabusog o magutom, ang kasaganaan o kasalatan.