Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa publiko na iligtas ang Philippine Eagle na isang national treasure, mula sa pagkaubos nito.

Ang panawagan ng kalihim ay kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Eagle Week sa Hunyo 4-10, na ginagawa kada taon batay sa Proclamation No. 79 na inisyu noong 1999.

Layunin nito na makapagbigay ng tamang kaalaman at pagpapahalaga sa Philippine Eagle bilang “biological indicator” ng forest ecosystem na isang simbolo ng pamana ng bansa.

Inihayag din ni Cimatu na ang desisyon ng bansa na ipadala sa Singapore ang dalawang Philippine Eagle na pinangalanang Geothermica at Sambisig ay isang tamang pagsisimula upang masagip ang lahi nito. (Dolly Cabreza)