Philippine Power Commission pamalit sa ERC, ikinakamada sa Kamara

Tinatrabaho na ng Kamara ang pagbuo ng isang bagong tanggapan na papalit sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay 1-CARE Party-list Rep. Carlos Roman Uybarreta, binabalangkas na ng isang joint technical working group ang consolidated bill para maamyendahan ang mga probisyon ng batas na lumikha sa ERC.

Sa pamamagitan ng House Bill 7104 (Philippine Power Commission Act) ay bubuwagin na ang ERC at papalitan ito ng Philippine Power Commission (PPC).

May upgraded power ang PPC kumpara sa ERC.

Nabatid na ang ba­gong komisyon na ipapalit sa ERC ay magkakaroon ng siyam na commissioner mula sa ­dating lima.
Naniniwala si Uybarreta na dapat italaga sa komisyon ay ekonomista, abogado, CPA at electrical engineer.

“Kapag siyam na ang commissioners, masosolusyunan ang problema sa quorum tuwing may big­laang vacancy sa komisyon. Mas gagaan din ang mabigat na workload ng komisyon at bibilis ang trabaho nila.

Mas mabibigyan-pansin ang mga kaso at problema sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visayas, at Minda­nao,” ani Uybarreta na vice chairman ng House Committee on Energy. (Aries Cano)