Phivolcs kinalampag sa P221M budget

Kinalampag ni House Majority ­Leader and Leyte Rep. Martin Romualdez ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) na madaliin na ang paggamit ng inilaang P221 mil­yong budget para sa pagbili ng mga kaila­ngang kagamitan para mapahusay pa ang monitoring at warning program ng bansa pagdating sa volcanic eruption, earthquake at tsunami.

Ang apela na ito ni Romualdez, chair ng House Committee on Rules, bunga ng reklamo ng mga residente mula sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ukol sa kakula­ngan umano ng mga sapat na warning o babala ng naturang ahensya na may kinalaman sa epek­to ng ‘phreatic explosion’ ng Taal Volcano.

Hindi niya umano sinisisi ang Phivocs ngunit kaila­ngan lamang umanong gawin kung anuman ang maaaring makakatulong upang ganap na mapaghandaan ang anumang darating na sakuna.

“We do not fault the Philvolcs for the lack of adequate warnings on the impact of the phreatic explosion. We are aware that it is really difficult to predict the occurrence of volcanic eruption and rela­ted disasters,” ayon kay Romualdez.

Ito rin umano ang dahilan kaya isinama ng Kongreso ang mahigit P221.48 million capital outlays sa P588.12 million total budget ng Phivolcs para ngayong taon.

Naniniwala ang kongresista na kaila­ngan nang i-upgrade ang monitoring at war­ning program ng bansa pagdating sa volcanic eruption, kundi ma­ging sa earthquake at tsunami upang agad na mapaghandaan ito at maiwasan ang matinding pinsala. (Eralyn Prado)