PHL 3×3 BABALATAN NG ROMANIA, FRANCE

fiba-team-pilipinas-3x3

Matetesting na ang 18th seed Team Pilipina­s nina Kobe Paras, Jero­n Teng, Kiefer Ravena at JR Quiñahan laban sa no. 7th Romania at no. 10 France sa pangatlong araw ngayon ng 4th FIBA Men’s 3×3 World Cup 2017 sa Nantes, France na nagbukas na noong June 17.

Unang toka ng pambato ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Romanians na binubuo nina­ 24-year-old­, ­6-foot-6 Baragau Cezar na world ranked 131st sa ranking points na 295,740 kasama sina 21-year-old,  6-5 Marius Ciotlaus (687th, 127,460 pts.), 30-year-old, 6-7 Bogdan Cezar Sandu (116th, 316,140) at 5-11 Mihai Vacarescu (118th).

Sunod sa National­s ang France nina 6-6 Charles Bronchard, 34, (57th, 459,100), 6-5 Do­minique Gentil 29, (72nd, 409,200), 6-2 Charly Pontens, 21 (860th, 110,900), at 6-2 Angelo Tsagarakis, 33 (144th, 284,600).

Huling asignatura ng Team PHL sa preliminary round ang Slovenia at El Salvador sa June 20. Kailangang mag-top 2 finish ng Pinoy cagers sa Group B para makasulong sa knockout quarterfinals pa-semifinals at finals.

Ang 6-6 na si Paras ay 19-anyos, 23 sina 6-3 Teng at 6-flat Ravena, 33 si 6-6 Quinahan.

Serbia ang may suot ng korona sa men’s at Czech Republic sa wo­men’s na mga nadale sa Guangzhou noong isang taon. Matatapos sa June 21 ang  6-day, 20-country tournament.

Walang lahok ang SBP sa women’s side.