Kasado na sa giyera ang Philippine men’s football team, bubuksan ang kampanya sa 20th SEA Games kontra Cambodia ngayong Martes ng gabi.
Alas-8:45 p.m. ang kickoff sa 16,000-seater Selayang Stadium sa Selangor.
Tiwala si coach Marlon Maro sa tsansa ng kanyang koponan na target ang semifinal finish pagkatapos ng nakakadismayang performance sa Singapore SEAG noong 2015 nang walang maipanalo sa apat na laro.
Napagbigyan ang wish list ni Maro nang pumayag ang local clubs na ipahiram ang players sa national team.
Nasa kuwadra ni Maro sina UAAP MVP Jarvey Gayoso, Jordan Jarvis at Jaryrah Rocha ng Ateneo, Daniel Gadia, Christian Lapas, Ian Clarino at Ace Villanueva ng UP at sina RJ Joyel at Reymart Cubon ng FEU.
May pito pang players mula Davao Aguilas na binigyan ng green light.
Balik din sa SEAG ang PHL Malditas, bagama’t wala si Fil-Am striker Eva Madarang na inabot ng elbow injury sa training nila sa Japan. Unang asignatura ng Malditas ang Malaysia ng 8:45 p.m. sa UiTM Shah Alam sa Selangor.