PHL gymnasts umariba sa Russia

Dalawang silver at tatlong bronze me­dals ang nasikwat ng ­Philippine gymnastics team sa katatapos na Open-All Russia Competition of Siberian Far Eastern Cities sa Blagovesh-Chensk, Russia.

Pinamunuan ng wa­long taong gulang lang na si Eldrew Yulo, naka­babatang kapatid ni national team member Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo, ang mga nakaharbat ng medalya nang tumersera sa floor exercise.

Ang medalya ay una ng nakababatang Yulo, na nais masundan ang yapak ng kanyang kuya Caloy na kabi-kabila na ang pagharbat ng gold sa inter­national competitions kabilang ang sa 15th Asia Pacific Rim 2016 sa US noong April at ang pinakahuli sa naka­raang buwan lang na 23rd Voronin Cup 2016 sa Moscow, Russia.

Ang iba pang mga naka-medal ay sina John Santilan at Juancho Besana na parehong naka-silver sa vault, at sina Lucia Gutierrez at Ian Sy sa balance beam.

Nakasalpukan ng eight-player Philippine squad ang may 200 kids ng Russia at Mongolia.