Puntirya ng Philippine Ice Hockey Team ang sumikwat ng Division-3 medal sa susunod na buwan sa pagsabak sa Asian Winter Games sa Sapporo, Japan.
Nakatuon ang 23-man Philippine team sa malaking tournament ayon kay Team Manager at assistant captain Francois Gautlier.
Hinayag pa ni Gautlier na kahit bagong miyembro pa lang sa World Ice Hockey Federation at wala pang ranking ay naka-bracket ang Pilipinas sa mababang division.
May 10 bansa ang kalahok sa 3rd division, hahatiin ito sa dalawang grupo.
Kasama ng Philippines sa Group A ang Bahrain, Kuwait, Qatar at Kyrgyztan.
Nasa final phase ng preparasyon ang National squad na naging aktibo sa mga Internationals at friendlies competitions sa nagdaang taon.
Ipatutupad ang round robin elimination at ang top country sa bawat grupo ay maglalaban para sa gold medal habang ang mga second placers ay maglalaro para sa bronze.
Apat na sports kabilang ang Ice Hockey ang sasalihan ng Pilipinas sa Asian Winter games na magsisimula sa Pebrero 17 hanggang 27.
May 29 athletes ang ipinadala ng Pilipinas, 23 sa Ice Hockey, 4 na figure skaters at tigisang snowboarding at speed skating.