PHL judoka binalibag na rin

Tumagal lang ng 1 minute, 19 seconds sa mat si Kodo Nakano ng Pilipinas, at nadispats­a na rin nang tibagin ni Matteo Marconcini ng Ital­y sa judo men’s 81-kilogram Round-of-65 Mar­tes ng gabi sa 31st Olympic Games sa Rio de Janeiro.

Nasa unang sabak sa quadrennial games, hindi­ umubra ang Fil-Japanese sa Italian at naging pang-anim na atletang maagang umeksit sa unang salang pa lang.

Sinamahan niyang magmimiron na lang sa Rio sina Ian Lariba ng ­table tennis, Charly Suarez at Rogen Ladon ng boxing, Jessie Khing Lacuna­ ng swimming at Nestor Colonia ng weightlifting.

“Malakas. Magaling,”­ naibulalas nang sanay mag-Taglog na si Naka­no sa nalasap na ipon, 100-0, loss sa first round.

Umepekto kay Naka­no ang jetlag sa pagpunta sa Rio apat na araw bago ang kanyang kumpetis­yon matapos makasama sa delegasyon ng Pilipinas bilang huling minutong kapalit ng Iranian na umatras sa final minute.

“I’m still happy. Olympics,” sabi ni Naka­no. “Laban not very good.”

Kakampay na sa Miyerkules ng ala-una ng hapon (alas-11:00 ng gabi sa Pilipinas) si Jasmine Alkhaldi sa 100-meter freestyle ng women’s swimming.

Kontender pa sina Miguel Luis Tabuena sa men’s golf sa Agosto 11-14, Mary Joy Tabal sa athletics women’s marathon sa August 14, Eric Shauwn Cray sa  athletics­ men’s 400m hurdles sa Aug. 15, Marestella Torres Sunang sa athletics ­women’s long jump sa Aug. 16 at Kirstie Elaine Alora sa women’s taekwondo 67+kg sa Aug. 20.