PHL-Mighty dinurog ang US-SS

Naging mabangis ang Mighty Sports Appa­rel-Philippines sa second quarter upang madurog kagabi ang United States-Sacramento State, 88-69, para sa third conse­cutive wins sa 38th William Jones Cup Internatioinal Basketball Tournament 2016 men’s division sa Hsinchuang Gymnasium sa Taipei, Taiwan.

Mula sa 23-all deadlock sa rolyo ng opening period, matinding nana­lasa ang MSA-Phils. ng 31-12 blitz sa sumunod na frame upang makalayo sa halftime, 54-35, at ‘di na lumingon pa sa natarantang USA-SS.

Ginalamay nina Korean Basketball League ve­teran Dewarick Spencer at former Philippine Basketball Association import Vernon Macklin ang Phil. squad sa pagsalo sa liderato sa Iran sa nine-team, eight-country, nine-day cagefest na sa Linggo matatapos.

May 14 points each na kinayod sina Spencer at Macklin samantalang may tig-12 na mga agapay sina dating PBA campaigners Michal Singletary at Al Thornton.

Unang dalawang biktima ng Mighty Sports ang Chinese-Taipei A, 89-81, noong Linggo kasunod ang South Korea, 86-65 kamakalawa.

Sunod na kalaban ngPinoy quintet ang Japan ngayong ala-singko ng hapon, India bukas ng ala-una ng hapon, Iranians sa Biyernes ng alas-tres ng hapon, Egypt sa Sabado at Chinese-Taipei  B sa Linggo.

Iskor:
Mighty Sports Philippines 88 — Spencer 14, Macklin 14, Singletary 12, Thornton 12, Brickman 9, Graham 8, Gillenwater 7, N’Diaye 6, Salvacion 3, Rodriguez 3, Tang 0, Teng 0.

US-SS 69 — Dressler 16, Wu 13, Ugbaja 8, Batagglia 8, Stuteville 8, Graves 6, Herrick 4, Hornsby 4, Mauriohooho Le’afa 2, Patton 0, Jackson 0, Strings 0.
Quarters: 23-23, 54-35, 69-50, 88-69.