Mga laro ngayon: (Hsinchuang Gymnasium)
1:00 p.m. — India vs. MSA-Philippines
3:00 p.m. — Egypt vs. USA-SS
5:00 p.m. — C.-Taipei B vs. Japan
7:00 p.m. — Iran vs. C-Taipei A
Ikinahon ng Mighty Sports Apparel-Philippines ang fourth straight victory sa 38th William Jones Cup sa buong digmaang pagsakop sa Japan tungo sa 87-66 demolisyon kahapon sa Hsinchuang Gymnasium sa Taipei, Taiwan.
Binisig ni former PBA import Zachary Graham ang PHL squad sa trinabahong 15 points sa 16:46-minute job at mag-isa na ang team sa taas tapos ang nakakatulalang talo ng Iran sa South Korea 67-50.
May mahalagang 14 points, 4 rebounds, 2 assists at 2 steals si Korean Basketball League campaigner Dewarick Spencer at may tig-11 ang dating PBA reinforcements na sina Al Thornton at Vernon Macklin para sa PHL quintet, sinagasaan din ang USA-Sacramento 88-69, Koreans 86-65 at Chinese-Taipei A 89-81.
Sunod na kasalpukan ng Pilipinas ang India ngayong ala-una ng hapon, Iranians bukas ng alas-tres ng hapon, Egypt sa Sabado at Chinese-Taipei B sa Linggo, ang wakas ng nine-team, eight-country tournament na nagbibigay ng titulo sa team na may pinakamaraming panalo.
Scores:
Mighty Sports Apparel-Philippines 87 — Graham 15, Spencer 14, Thornton 11, Macklin 11, Singletary 9, N’Diaye 8, Salvacion 5, Tang 4, Rodriguez 4, Teng 4, Brickman 2, Avenido 0.
Japan 66 — Nishikawa 15, Shinoyama 14, Mitsuhara 10, Nagayoshi 8, Kumagae 6, Endo 5, Harimoto 5, Fujii 2, Nomoto 1, Kishimoto 0, Karino 0.
Quarters: 28-12, 50-21, 70-47, 87-66.