PHL Open ‘di palalagpasin ni Tabuena

Sasabak si Miguel Tabuena sa malalaking overseas events sa mga susunod na linggo, nakatuon din sa Philippine Open sa March.

Katatapos lang lumaro ni Tabuena, 22, sa PGA Tour Sony Open sa Hawaii, susunod na lalahukan ang Asian Tour at Japan PGA Tour-sanctioned Singapore Open at Myanmar Open.

Magpapahinga sandali at tutungo siya sa Malaysia para pumalo sa Maybank Championship sa Feb. 9-12.

Pakay din puntahan ni Tabuena ang Johannesburg sa South Africa bago umuwi sa Pilipinas para pangunahan ang elite field sa Solaire 99th Philippine Open sa March 2-5 sa Country Club sa Laguna.

“Yes, I’ll play. This is one tournament very important to me,” ani Tabuena.

Nakopo ni Tabuena ang Asian tour title noong 2015 matapos manalo sa Philippine Open sa Lui­sita sa Tarlac.