Dahil mas excited si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkita kay Russian President Vladimir Putin kesa kay United States (US) President Barack Obama, naniniwala ang isang mambabatas na may plano ang Pangulo na makipag-alyansa sa Russia.

Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang pahayag dahil umaasa si Duterte na maka-one on one nito si Putin sa dadaluhang G20 meeting sa Laos sa susunod na linggo.

“Most likely Du30 will explore trade relations with Russia especially sourcing oil and for Russian tourist to come to the Philippines,” ani Villarin.

Hindi tulad ng Amerika, malabnaw pa umano ang relasyon ng Pilipinas sa Russia kaya posibleng nais umano ni Duterte na makipag-alyansa sa nasabing bansa para sa kapakanan ng mga Filipino.

Sa ngayon ay umaabot sa 4,335 Filipino ang naninirahan ngayon sa Russian kung saan karamihan sa mga ito ay nasa Moscow.

3 Responses

    1. walang pupuntahan ang pinas kung si mar ang pangulo panay desente lang ang makinabang at drug lord, ang pupuntahan ng kabataan ay magiging mga adik…hahahaha