Sinulong ni Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang pangatlong sunod na panalo para tulungan ang Philippine chess team na pisakin ang Nigeria 3-1 sa round 3 ng 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan kahapon.
Delikado ang posisyon ni 64-year-old Torre pero nakahulagpos sa endgame para pasukuin si FM Daniet Anwuli sa 45 moves ng King’s Indian defense sa board 2.
Sumiksik ang Pilipinas sa 28th place sa nalikom na 4 match points.
Nagsipanalo rin sina GMs John Paul Gomez at Rogelio Barcenilla Jr. sa boards 1 at 3.
Samantala, matapos bulagain ng Pinay chessers ang No. 4 Georgia sa round two, tumukod sila sa India, 3.5-0.5-3.5. sa women’s division.