HINDI naniniwala si Phoebe Walker na naging dyowa ng ex-boyfriend niya si Allan K.
Inamin sa amin ng leading lady ni AJ Muhlach sa action flick na Double Barrel na may nabasa siyang article before, na ang pagkaka-describe sa boyfriend ng gay Eat Bulaga co-host ay tila tumutugma sa Fil-Brit boyfie ni Phoebe na si Matt Edwards.
Ifinorward niya ‘yung article kay Matt at tinanong niya ito ng, “Is this you?” pero itinanggi ‘yon ng binata.
Wala na sila nu’ng time na ‘yon at may iba nang BF si Phoebe. Base sa pagkakakilala niya kay Matt ay hindi ito papatol sa bading.
Ang alam niya ay family friend lang ni Matt si Allan K.
Isyu kay Phoebe kung kasalukuyang boyfriend niya, tapos ay malalaman niyang may dyowang bading.
Kung nauna sa kanya ‘yung gay, okey lang dahil past na ‘yon.
Nagkasama sila ng ex niyang si Matt sa Amazing Race Philippines Season 2 kung saan ang tandem nila ang tinanghal na winner.
During the show ay nagkapisikalan sila ni Matt (na dating miyembro ng grupong Juan Direction).
After the competition ay napansin niyang mas mabilis na itong mapikon at mas bayolente nang magreak hanggang sa nakipag-break siya rito.
Sexy ang image ng Fil-Brit na si Phoebe, pero meron din siyang girl crushes.

Hot para sa kanya sina Sarah Lahbati and Yassi Pressman, tapos ay nagagandahan siya kay Liza Soberano.
Oo agad siya nang tanungin namin kung payag siyang makipag-girl-to-girl love scene sa tatlo sa pelikula.
Nu’ng college si Phoebe sa Ateneo ay may naging crush siyang tomboy na ini-stalk pa niya.
Kaya lang ay dinedma siya nu’ng guwaping na tibash, na player ng basketball at mhin ang dating.
At that time ay open sana siya sa bagay na ‘yon, pero hindi niya ito na-explore dahil hindi siya pinansin ng bet niyang kyombird.
Sumabak sa aksyon at mapangahas na eksena ang 25-anyos na Viva star sa Double Barrel (Sige! Iputok Mo!) na sa Agosto 9 ang showing sa mga sinehan.