Kung tunay kang babae, sa puso, isip at salita, ang iyo bang bangs ay magdadabog in a major, major way kung ikaw ay pagkakamalang transwoman? Meaning dati kang bakla, na dahil sa makabagong agham, ay naging ganap na babae?

Si Phoemela Barranda, ay the WHO na sa inyo si Phoemela, ang savage niyo naman sa kanya! Hahahaha! Yes, si Phoemela ay napagkamalang transwoman kamakailan.

May hosting job ang babaing pinagkamalang baklang operada sa isang posh sector of Makati. Eh super traffic that day at ayaw niyang maparatangang unprofessional kaya ang ginawa ni Barranda, super parked ang kanyang car sa kung saan at nag-book sa isang transportation service na motor ang kanyang sasakyan.

Maswerte naman ang ate gurl natin dahil naka-booked, agad-agad at ayon sa mga katkatera at dalahira, makisig, matipuno at lalaking-lalaki talaga ang kanyang service driver.

Matapos dumating sa kanilang pupuntahan, ang service driver, walang kaabog-abog, at very apologetic na tinanong si Barranda kung siya ay isang transwoman.

Hindi na nakuha pang magmaldita ni Phoemela, matamis na ngiti na lamang ang tugon nito sa service driver with matching “hindi” at nagmamadaling pumunta na sa event.

Bakit nga kaya napagkamalang transwoman si Barranda? (Alwin Ignacio)