Phoemela perfect ang beach body

Sadyang kakaiba ang taglay na alindog ni Phoemela Baranda.

Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang kaseksihan ni Phoemela sa suot niyang two-piece bikini habang nagbabakasyon sa magandang isla ng Boracay, ilang araw na ang nakalilipas.

Bukod sa kanyang makurbang katawan, mayroong maipagmamalaking abs at magandang complexion. At definitely ay may taglay siyang perfect na beach body.

Pampabuwenas pagmasdan ang kanyang kariktan, kakaiba kasi ang taglay na sex appeal ng TV host/actress.

Kahit isa nang ganap na mommy, palaban pa rin ang kanyang kariktan. Kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga bagets na kababaihan, kung hotness lang ang pag-uusapan.

Siya ang klase ng babae na hahanap-hanapin ng maraming boys. Ang kanyang matinding rehistro sa opposite sex ay sapat para makompleto ang araw ng maraming kalahi ni Adan.

Sinong barako ang aatras sa kariktan ni Phoemela? (Nonie Nicasio)