Ang pagbago ng kultura ng isang team ay isang mahaba at mahirap na proseso, pero determinado si Louie Alas na maging defensive-minded at maangas na team ang Phoenix sa kanyang pamumuno.
“We are now in the process of developing a defensive habit,” wika ni Alas. “Kung two hours kami sa practice, mga three-fourths noon devoted sa defensive drills and patterns namin.”
Kaakibat ng pagsasanay sa depensa ang pagtataguyod ni Alas ng bagong attitude sa kanyang players tungkol sa hindi pagsuko kahit lamang ang kalaban.
“When I was interviewed for this job kasi, the first thing management wanted from me is baguhin iyung kultura ng team, na kapag nalalamangan naggi-give up na,” salaysay ni Alas.
“Eh alam niyo naman ako, wala sa vocabulary ko iyung ‘give up.’”
Mahirap gawin, pero maganda ang nakikita ni Alas sa 10 araw na practices nilang naisagawa na.
“Very cooperative lahat ng mga players,” wika ni Alas, na nasulot mula Alaska kasama ni chief assistant Topex Robinson.