Phoenix ligwak kay Wells, SMB PANIMULA SA GRAND SLAM

STANDINGS

TEAMS W L

Ginebra San Miguel 1 0

San Miguel Beer 1 0

NLEX 1 0

Meralco 1 0

NorthPort 1 0

TNT 1 0

Rain or Shine 1 1

Columbian 1 1

Magnolia 0 1

Phoenix Pulse 0 1

Blackwater 0 1

Alaska Milk 0 2

Mga laro bukas, Biyernes: (Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – NLEX vs Meralco

7:00 pm – Magnolia vs NorthPort

Sa likod ng muntik na triple-double game ni Dezmine Wells, matingkad na sinimulan ng San Miguel Beer ang daan tungo sa inaasam na grand slam, pinatilapon ang Phoenix Pulse, 130-119, sa ikalawang laro ng 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Itinala ng Beermen ang pinakamalaking 24 puntos na kalamangan sa sa third quarter tapos maghabol sa anim na bentahe ng Fuel Masters sa game. Mula sa lay up iyon ni Terrence Romeo sa natitirang 28 segundo, 105-81, upang sandigan tungo sa pagsungkit sa unang panalo at makisalo sa anim na koponan sa liderato.

Nagpilit ang Phoenix na makabalikwas pa sa paglapit na lamang nito sa apat na puntos sa 79-75, mula sa jumper ni Joriel Napoles. Pero ‘di na nito napigilan ang muling pag-atake ng Beermen tungo sa pagkalasap ng ikalawang sunod na kabiguan sa season ending conference.

May 42 points, walong rebounds at pitong assists si Wells sa pagbuhat sa San Miguel sa makinang na gabi. Habang may 17 markers at 13 boards si June Mar Fajardo. Naka-23 puntos si Alex Cabagnot at 18 pa si Arwind Santos.

May 41 pts., 20 boards at walong feeds sa Fuel Masters si Eugene Phelps.