Phoenix mamaniobrahin sina Pringle, Anthony

Phoenix mamaniobrahin sina Pringle, Anthony

Team Standings W L
Rain or Shine 7 1
Phoenix 5 1
Alaska 2 1
Barangay Ginebra 3 2
San Miguel 4 3
TNT KaTropa 3 3
NorthPort 2 2
Meralco 2 3
NLEX 2 4
Columbian Dyip 2 4
Blackwater 1 6
Magnolia 0 3
Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Meralco vs Columbian Dyip
7:00pm — Phoenix Pulse vs NorthPort

Asam ng Phoenix Pulse na masiguro ang siguradong silya sa quarterfinals sa pagsagupa ngayong gabi sa mapanganib na NorthPort sa tampok na labanan ng apat na koponang pilit na aahon sa kabiguan sa pagbabalik ng eliminasyon ng 44th PBA 2019 Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Optimistiko si Fuel Masters coach Louie Alas na agad makabalikwas sa pagkakamantsa sa kanilang kartada sa hu­ling laban bago nagpa­hinga ang liga upang magbigay suporta at suportahan ang pambansang koponan na nakatuntong sa ikalawang sunod na pagkakataon sa 18th FIBA World Cup 2019 sa darating na Agosto sa China.

“We expect a tough game. This NorthPort is 10-12 man deep. I mean you can’t put your guard down. Kailangan namin ma-contain sina (Stanley) Pringle, (Robert) Bolick, (Mo) Tautuaa at (Sean) Anthony. Limit namin ang transition at fastbreak nila,” sabi ni Alas sa nasegundang mga alipores sa 5-1 win-loss record.

Pilit din iiwas sa ikalawang sunod na kabiguan ang Meralco (2-3) sa pagbangga sa hangad maputol ang apat na kamalasan na Columbian Dyip (2-4) sa pang-alas-4:30 nang hapong laro, bago ang salpukang Phoenix na babawi sa unang kabiguan kontra sa kambal na tilapong NorthPort (2-2) sa alas-siete nang gabi.