Sa mga naging muse sa 44th season PBA opener kagabi sa Philippine Arena, umangat ang kagandahan ng tatlong dilag, sina Kylie Verzosa ng San Miguel, Sam Pinto ng TNT Katropa at Yam Concepcion ng Phoenix Petro.

Nag-init ang social media, nag-agawan sa mention ang tatlo, kita na bukod sa kanilang kasikatan lalo’t lahat artista, hindi rin matatawaran ang maladyosang mga ganda nila.

Suot ni Kylie ang puting plunging dress, marami ang nabighani sa kanyang angking alindog na hindi pa rin kumukupas ang eleganteng aura buhat noong manalo ng Miss International 2016.

Woke up to PBA ope­ning. Tamang abang sa San Miguel Beermen with Kylie Versoza and hanap ng mga crush ko from random teams, saad ni @roksanfransisko sa Twitter.

Si Sam Pinto naman na dyowa ng TNT player na si Anthony Semerad, mala-amihan ang dati­ngan sa blue dress, hindi nagpatalbog sa iba pang mga muse.

Sam pinto’s the prettiest muse for me!! Huhu sobrang kilig with Anthony semerad hay, ayon naman kay @_ashma­rian.

Maging ang Halik star na si Yam Concepcion ay inulan din ng papuri sa suot na red dress para panindigan ang palaban na karakter na si Jade sa TV drama series.
Phoenix with Jade?!?! HAHAHA djk. Yam Concepcion” pahayag ni @Beeyummm14.

Ilan pa sa mga naging muse ay sina Jasmine Alkhaldi at Myla Pablo para sa Blackwater, Aya Fernandez para sa NorthPort, Pia Wurtzbach sa Barangay Ginebra, Klea Pineda sa Alaska, Alyssa Valdez sa NLEX, Kelley Day sa Columbian Dyip, Eva Patalinjug sa Meralco, Anie Uson sa Rain or Shine at Sharon Cuneta para sa Magnolia.