Tuloy ang ligaya ng mga ka-Barangay kahit pa balik-injury si Greg Slaughter nang matagay ang fourth straight win kontra Phoenix Petroleum, 96-87, sa dayo ng PBA Governors’ Cup sa Ynares Center, Antipolo.
Makikipagsultada para sa top seeding pa-playoffs ang may 8-2 win-loss slate at kumapit sa second spot na Gin Kings laban sa league-leading TNT KaTropa (9-1) sa last day ng elims sa Alonte Sports Arena sa Biñan sa Linggo.
Naiiwan ang Fuel Masters, 61-40, sa bukana ng third quarter pero nag-rally para manindak sa 90-85 sa layup ni John Wilson pero kinapos na sa oras.
“Phoenix really fought tooth and nail tonight, they just kept hanging around with their 3-point shooting. (Eugene) Phelps is just a beast. I thought we had him,” bulalas ni Ginebra coach Tim Cone.
Nagka-ACL si Gregzilla nang mapasama ang bagsak sa debut game sa season-ending conference nu’ng Byernes sa 93-86 win sa GlobalPort.
Kaibang sipag ang humalili sa kanyang si Japeth Aguilar na tumoma ng 12 points, 5 rebounds at 4 blocks.
Tumungga ng 28 points si Justine Brownlee, may 15 si LA Tenorio at 12 each pa sina Joe Devance at Sol Mercado sa balanseng atake ng Gins.
May 24 si Phelps, 15 kay Simon Enciso at 11 si Josh Urbiztondo sa Phoenix.
Sa no-bearing first game, nakasagwan ng karampot na karangalan ang GlobalPort sa pagkalog sa Blackwater 139-126 sa pagtakas sa three-game slide para sa 4-7 win-loss slate.
Dead-last pa rin ang Elite maski may isa pang laro sa pagkabaon sa 1-9.