Phoenix type si Al-Hussaini

Mukhang magiging available si Rabeh Al-Hussaini para sa mga naghahanap ng big man sa PBA.

Bago magsimula ang 45th season bukas, Linggo, papunta sa free agency ang 31-anyos na 6-foot-7 center.

Hindi kinuha ng NLEX si Al-Hussaini pagkatapos mapinalisa ang three-team trade na nagdala kay Poy Erram mula Road Warriors papuntang TNT via Blackwater.

Isinama ng Elite si Al-Hussaini sa trade package kapalit ni Erram.

Gayunman, binitawan ng Road Warriors ang dating UAAP MVP mula Ateneo.

Isa ang Phoenix sa nagkakainteres sa serbisyo ni Al-Hussaini. (Vladi Eduarte)

Kulang sa big man ang Fuel Masters, tatao sa front court nila sina Jay-R Reyes, Justin Chua at Dave Marcelo.

“Puwede naming makuha si Rabeh na walang kapalit, kasi wala siyang kontrata,” pahayag ni Phoenix coach Louie Alas.

‘Iyon ay noong hindi pa pinapamigay ng Elite sa NLEX ang veteran slot man.

Nag-expire ang kontra ni Al-Hussaini sa Blackwater pero hindi pa pumipirma ng kontrata, napunta ang rights sa kanya sa Road Warriors dahil sa trade.

Inaprubahan ang trade pero mukhang bibitawan ng Road Warriors si Al-Hussaini, baka ituloy ng Fuel Masters ang interes sa kanya.