Photog patay sa Catanduanes motor crash

Patay ang isang photographer habang sugatan naman ang ina nito matapos na sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng San Andres, Catanduanes kahapon.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang nakilalang si Dustine Victoria Camacho, 28, binata, habang patuloy na ginagamot ang ina nitong si Ma. Victoria Camacho, pa­wang mga residente ng Brgy. Francia sa bayan ng Virac.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga habang binabagtas ng nasa­wing biktima kasama ang ina nito sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng Brgy. Rizal at nabulaga sa papatawid na lalaki kaya sumemplang dahil sa may kabilisan nitong pagpapatakbo.