Phuong Khanh Nguyen ng Vietnam waging Miss Earth 2018

Pasok si Miss Earth Philippines Celeste Cortesi sa top 8 pero nang tanungin na kung ano kanilang pananaw sa kanilang topic na mabubunot, siya ay na-mental block. #MALNUTRITION ang nabunot ni Celeste. Kaila­ngan niyang maipaliwanag kung ano ang kanyang pananaw sa malnutrition at ang sagot niya ay ‘My perspective about malnutrition actually depends on my values and beliefs. I think it’s about respect being… (napahinto)… and I think that respect is the key to serve the purpose of our knowledge and humanity .”

Dahil dito, agad nangamba ang Filipino audience and supporters kung makakapasok ba ang ating pambato sa final 4.

Marami kaming narinig na pamumuna mula sa mga audience. May nagsabing expected na ang pagkakalat ni Miss Philippines dahil ganoon na raw siya noon pa lamang sa Ms. Earth Philippines. Pero meron din namang hindi sang ayon sa mga ganoong opinyon. Nakakaloka!

Mayroon pang nagtalo sa audience! Ang isa ay nagsabing nakakahiya si Ms. Philippines, sumabat naman ang katabi niya at sinabing, mabuti nga umabot sa Top 8, ibig sabihin may ibubuga! At hindi siya magiging representative ng Pilipinas kung ‘di siya magaling?’

Marami rin sa mga audience ang nakapansin na kulang sa promo ang kandidata ngayon ng Pilipinas. ‘Di raw ganoon kilala si Celeste.

Anyway, narito ang mga nagwagi sa Miss Earth 2018

Miss Earth 2018 – Nguyễn Phuong Khánh of Vietnam; Miss Earth Air - Melanie Mader of Austria; Miss Earth Water – Valeria Ayos of Colombia ; Miss Earth Fire – Melissa Flores of Mexico.

Pinoy nabitin kay Brian McKnight

Special guest si Brian McKnight sa Miss Earth 2018 na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Inawitan niya ang reigning queens ng Ms. Earth 2017 ng kanyang hit song noong late 90’s na ‘Back at One’.

Tila na-in love ang karamihan sa mga audience. Sumasabay sila sa pagkanta ni McKnight.

Matapos niyang awitan ang mga reigning queens, nagkaroon ng ilang minutong break. Pumasok na sa entablado ang mga kandidata sa kanilang mga long gowns. Akala ng iba, babalik si McKnight sa stage para naman awitan ang mga kandidata pero ibang music na ang pinatugtog. Dahil dito, maraming nagsabing hindi sila nakuntento sa performance ni McKnight.

Bulong ng iba na, sana man lang daw ay pinagbigyan ni McKnight ang mga sumigaw ng ‘MORE!!!’ Pero, pageant ang pinuntahan nila hindi naman concert.

Gayunpaman, marami pa rin naman ang natuwa sa performance ni McKnight dahil wala raw itong kupas sa pag-awit. Dagdag pa ng iba, para raw silang hinaharanahan.