PI ng DOJ inisnab ng mga Kapa official

DOJ

Inisnab ng mga opisyal ng kontrobersiyal na religious group Kapa Community International Ministry, Inc. ang idinaos na premilinary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong large-scale investment scam
Wala ring ipinadalang abogado o kinatawan para humarap sa panel of prosecutors, pinangunahan ni Assistant State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros, na magsasagawa ng PI base sa reklamo ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Sinabi ni Caparros na naipadala naman ang subpoenas sa walong respondent na inireklamo at wala umanong nagbalik na sulat sa DOJ na katunayan ay hindi nila natanggap ang summon.

Sa kabila nang hindi pagdalo ng respondent binigyan pa ito ng tsansa ng DOJ at muling itinakda ang susunod na PI sa Hulyo 15.

Bukod kay Kapa founder ar president Joel Apolinario, kasama rin sa kinasuhan sina Reyna Apolinario, Margie Danao, Catherine Evangelista, Rene Catubigan, Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, at Moises Mopia.

Sa reklamo ng SEC, nilabag umano ng mga res­pondent ang Section 26 ng SRC na nagbabawal sa so-called Ponzi scheme, isang investment program na nag-aalok ng malaking kapalit na kinukuha rin sa kontribusyon ng ibang investors.

Pinagdo-donate umano ang publiko ng hindi bababa sa P10,000 kapalit ng 30% buwanang “bles­sing” o “love gift”. (Juliet de Loza-Cudia)