PIA, AALAGAAN NI VICE GANDA

Pia Wurtzbach

NAG-STORY conference na ang pelikulang intended for Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurztbach ng Star Cinema Films.

Sabi ng direktor nilang si Joyce Bernal, Superheroes ang working title muna. Saka na nila ire-reveal ang buong title nito.

Excited ang tatlong bida nang napag-usapan ang naturang project sa story conference nila na ginanap sa Manila Hotel kamakalawa nang gabi.

Sa kanilang tatlo, si Pia siyempre ang medyo kabado dahil first time niyang masalang sa isang malaking pelikula na isa siya sa mga bida.

“Sabi ko nga kay Vice na medyo kina­kabahan ako, kasi, first movie ko nga ‘to.

“Pero ni-reassure naman ako na masaya ‘to, na hindi naman ako dapat kabahan, na mag-e-enjoy ako sa movie na to,” paha­yag ng Ms. Universe 2015.

Sabi ni Vice Ganda, sila na bahala at hindi nila pababayaan si Pia.

“Sabi ko sa kanya, promise ko, I will take care of you. Sabi ko sa kanya, don’t worry, mag-e-enjoy tayo dito,” pakli ni Vice Ganda.

More of excitement ang naramdaman ni Daniel dahil ngayon lang siya gagawa ng ganitong pelikula at first time niyang gagampanan ang role na ibibigay sa kanya.

“Very excited dahil kinuwento ang istorya. Kasi, first time ko rin gawin na ganito ‘yung role,” sabi ng Kapamilya young actor.

May pahabol pa si Daniel na huwag mag-alala ang Kathniel fans at baka magulat tayo na kasali na pala si Kathryn Bernardo.

Ayaw sagutin ni Direk Joyce kung kasali rin ba si Kathryn. Basta, abangan na lang daw.