Pia ayaw patalbog kay Catriona

NI:NONIE NICASIO

Tila ayaw magpatalbog ni Pia Wurtzbach sa kapwa niya Miss Universe na si Catriona Gray.

After kasi umamin si Sam Milby sa relasyon nila ni Catriona, it’s Pia’s turn naman para ibando na may papa na rin siya!

Kinumpirma ni Pia ang relasyon kay Jeremy Chaucey, founder ng digital travel brand na Beautiful Destinations, nang na-feature sila ni Pia sa luxury magazine na Philippine Tatler.

Ayon sa Miss Universe 2015, una pa lang daw ay talagang click na sila ni Jeremy.

Sambit ni Pia, “We couldn’t stop talking. I found him to be such a warm person and I like that he was always smiling.

Anyway, expected na naman na ang dalawang Pinay na Miss Universe ay laging pinuputakti ng mga lalaki at habulin talaga ng boys.

Kung umaapaw sa ganda at siksik sa kaseksihan ang isang babae, natural lang naman ito. Gaya ng makikita sa Instagram post na ito, na super-hot ang porma ng aktres at dating beauty queen sa suot niyang sexy two-piece bikini

Mula ulo hanggang talampakan ay sadyang winner ang kariktan ni Pia. Kapag nabistahan ng mga barako ang kanyang maumbok na butt, malulusog na dibdib, at makurbang katawan, tiyak na magwawater-water ang mga boylet .

Kompletos rekados talaga ang porma ni Pia, kaya walang dudang ang kanyang kakaibang alindog ay pinanggigigilan at pinagnanasahan ng mga lahi ni Adan.