Pagkatapos na tanggihan ni Angel Locsin na gumanap na Wave, ang bagong Pinay superhero na ini-envision ng Marvel co-creator at designer na si Leinil Yu para sa susunod na franchise movie ng Marvel Cinematic Universe, may kanya-kanya namang bet ang mga netizen.
Nauna nang nagpahayag ang mga fan ni Nadine Lustre na bagay siya sa nasabing role.
Hindi naman nagpahuli ang mga supporters ng dating Ms. Universe na si Pia Wurtzbach dahil bet din nilang gumanap sa nabanggit na karakter ang kanilang idolo.
Kinagat naman ito ng beauty queen at “World of Dance Philippines” kung saan ibinahagi pa niya ang post ng kanyang tagahanga sa kanyang IG story.
Sey ni Pia with matching confidence sa kanyang social media account ,”Why not? A girl can dream.”
May common denominator sina Pia at Nadine dahil parehong lumabas ang kanilang mga pangalan nang magkaroon ng online survey sa kung sino ang papalit kay Angel na “Darna” noon na eventually ay napunta kay Liza Soberano. (Archie Liao)