Pia ikinatuwa pandemic sa `Pinas

Kung ang sambayanang Pilipino ay takot ang nararamdaman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), welcome naman para kay Senador Pia Cayetano ang pagtama ng pandemya sa Pilipinas dahil nakita aniya dito ang kahalagaan nang pagkakaroon ng investment sa healthcare system.

“I welcome, I do say it, that I welcome this unfortunate event known as COVID because it does open our eyes and gives us that window of opportunity to provide the necessary funding, to provide the necessary attention and effort that our healthcare deserves,” pahayag ni Cayetano sa pagdinig ng Senate committee on health.

“I am so happy to live and to be serving under our President (Rodrigo Duterte) because he has shown that he is very much dedicated to ensuring the welfare and the health of the Filipinos,” dagdag nito.

Ayon kay Cayetano, dating chairperson ng naturang komite, noon pa man ay isang malungkot nang reyalidad na may kakulangan sa pondo para sa healthcare ng mga Pinoy.

“It has often been neglected. In fact if you look back today, many of us would still be surprised that at that time, there was not even consistent funding for vaccination,” sabi ni Cayetano.

“We look back today and that is very shocking. But then a few years from now we will also look back and ask ourselves whether we did what we could at the time that we had the ability to do so,” dagdag pa nito.

Pero bago pa aniya tumama ang pandemya, isinusulong na niya ang pagpapaganda ang health infrastructure ng bansa. (Dindo Matining)