Habang nagbubunyi ang madlang Pinoy sa homecoming ni Miss Universe 2018 Cat­riona Gray, pabebe lang sa social media ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Kalmado lang ang isa sa pinakamagandang babae sa buong universe. Pero hindi ang kanyang mga male follower na la­ging napi-pressure sa mga seksing larawan niya.

Lagi kasing may hatid na kamunduhan si Pia sa mga bikini shot nito sa Instagram. Paano ba naman, nakalatag sa social media ang nakakaelyang pigura niya.

Tila nakahaing masarap na putahe ang alindog ni Pia, na hindi nila puwedeng tikman, kundi pagpantasyahan lang.

Well, nagbibigay siya ng inspirasyon sa mga kababaihan na alagaan ang kanilang mga sarili at pala­ging maganda at confident sa hitsura.