QUICK to judge ang haters, bashers, inggiteras at mga nagmamalinis matapos ang magsing-irog na sina Marlon Stockinger at Ms. Universe Pia Wurtzbach posted sa social media ang kanilang lovey dovey vacation pictures.
What caught the ire of the manangs and wolves in sheep’s clothing eh ang post ni Wurtzbach in her two-piece bikini kung saan nakadantay ang kanyang alindog sa hubad barong katawan ni Stockinger.
Dahil sa mga larawan, tinawag na malandi, haliparot and all the most demeaning words ang pinakamagandang babae sa sangkalawakan.
Teka, teka, teka…. nasa beach sina Pia at Marlon at ang binatang race car driver eh naka-conservative board shorts pa man din.
Hindi ba appropriate sa setting ang outfits nila?
Anong kalandian ang nakikita n’yo sa dalawang nagmamahalan na magkasama sa beach?
Sobra kayo sa panghuhusga.
Sa totoo lang, of legal age na ang dalawa. Parehong tapos sa pag-aaral. May maayos na karera.
Mga responsableng nilalang. Binigyang-karangalan ang Pilipinas nating mahal.
Tapos, ganito ang reaction shot ninyo sa kanila? Anong PETSA at TAON na ba at ang mga hanash at kuda ninyo ay kakaiba?
Kesa sina Pia at Marlon ang pinagkakaabalahan ninyo, bakit hindi ninyo bantayan, obserbahan at pangaralan ang mga anak, pamangkin, pinsan at kung sino mang kadugo ninyong nasa on set of puberty, in their early teens at ‘yung magde-debut pa lang?
Sila ang turuan ninyo kung ano ba ang magandang asal para sa isang nagdadalaga at nagbibinata at mga young adults pa lamang.
Sila ang laging kausapin lalo na’t their hormones are raging.
Sila ang mas mapupusok. Sila ang mas walang pakialam sa mundo.
Sila ang may dramang kapag nagmahal, hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tibok ng kanilang puso at puson.
Sila ang inyong gabayan. Sila ang inyong pakatutukan.
Hindi sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.
The two are adults who obviously now better. Let us just hope for their happily ever after.
NAG WAWALA NA SA GUTOM……
The sad part lang kase, binibigyan ng time at space ng mga reporter ang mga bashers na yan,,, kaya lalu lang sila pinaguusapan, kaya lalo sila sinisipag mang bash… dapat hindi na sila sinusulat kahit saan o binabanggit man. Mga uhaw lang lang sa pansin mga yun, hindi naman nila iniisip ang mga sinasabe.. Sabi nga the worse comment the better chance na mapansin sila nung binabash nila…
i hope people will mind their own business… iuf you have nothing good to say just simply shut up…
Indeed! Cultura nating mga pinoy ang pagiging tsismoso’t tsimosa, inggetera, mapagpuna at laitera. Magbago na kayo 2017 na!
101% agree
not news worthy….
Pero nag-abala magbasa at mag-comment, lol!