AYAW pa sanang kumpirmahin ni Jonas Gaffud, manager ni Pia Wurztbach, ang pelikulang gagawin ng dalaga kasama si Vice Ganda sa Star Cinema.
Hindi pa official ang announcement, pero masasabing Kapamilya artist na si Pia at babalik na siya sa pag-arte.
Hindi nila masabi kung ano ang projects ng Ms. Universe 2015 dahil kailangang maipagpaalam pa raw sa IMG na nagma-manage ng international career nito.
Sabi pa ni Jonas, “Sa Thursday, pinapapunta ako sa Ms. USA para manood at mag-observe uli, du’n ko ibi-bring lahat ng offer kay Pia.”
Sa Linggo sa Amerika ang Ms. USA at tamang-tama na magkakaroon siya ng chance na mailatag ang offers kay Pia.
Maingat siyang magbigay ng pahayag dahil ayaw niyang i-bypass ang IMG.
Kahit sila ni Pia ang masusunod sa mga inaalok na projects, kailangan pa rin na maiparating ito lahat sa IMG.
Saad pa ni Jonas, “Nu’ng sinabi ko sa kanya (Pia) na ang unang naisip nilang project na kasama si Vice, kaibigan ko naman si Vice, pero siyempre, ang atin lang, parang ang bilis lumabas ang mga ‘to.
“Kasi, dapat, may approval pa. Pero lumabas na… si Pia kasi, tuwang-tuwa. Kasi, love na love niya si Vice.”
Nakikita niya kay Pia na excited na itong mag-artista pero kailangang hindi pa rin niya maisantabi ang advocacy niya sa HIV Awareness.
Ang nakakatuwa kay Pia, ni-renew lahat ng endorsements nito nu’ng Ms. Universe siya.
Kaya medyo nakaka-stress ang pag-ayos ng schedule nito.
“Medyo toxic ang schedule niya, ang dami niyang endorsements. Lahat na ginawa niya nu’ng Ms. Universe siya, lahat, nag-renew.
“Kunwari sa isang endorsement niya, may 8 appearances na ganyan… kunwari, sampu ‘yun eh di 80 na ‘yun. So, parang stressful siya dahil kailangang isiksik,” pakli nito.
Kaya nu’ng humingi ng bakasyon si Pia, pinayagan na niya ito dahil kapag nasa trabaho, wala itong reklamo.
Nasa Japan si Pia kamakailan kasama ang kasintahang si Marlon Stockinger, hinayaan na niya dahil deserved ito ng alaga niya.
“Pia is a very intelligent woman. She knows naman her path, her career goal, and at the same time, ganu’n din ako.
“Ako ang lagi niyang nakakausap kung tama ‘yung gagawin niya, ‘yung magbabakasyon and all.
“Ang sinasabi ko lagi, okay, magbakasyon ka. ‘You need a break, eh.’
“After nu’n, ang dami-daming tumatawag para sa May after ng Japan niya, wala na akong mabibigay na schedule,” pahayag pa ni Jonas.
Ang maganda kay Ms. Pia, wholesome, hindi tulad ng mga ibang Beauty Queen, sabak agad sa malaswang Pelikula..tulad ng ang madalas gawin na ” Ang Pinaka-magandang Hayop sa Balat ng Lupa, the White Castle endorser…at iba pa…
deserved…..