MARAMI ang naintriga sa meeting ni Pia Wurztbach sa big bosses ng ABS-CBN 2 kamakalawa nang hapon.
Nasa presscon kami ng Bet On Your Baby sa Dolphy Theater noong nasa meeting si Pia kasama ang manager niyang si Jonas Gaffud.
Naging usap-usapan tuloy eoon kung ano ang gagawin ng Ms. Universe 2015 sa Kapamilya network kung pipirma na ito.
Matunog kasing isa siya sa pinagpiliang mag-Darna sa pelikula ni Direk Erik Matti para sa Star Cinema.
Kaagad na itinanggi ito ni Jonas nang nakausap namin kahapon.
Wala pa raw in-offer ang ABS-CBN sa kanila.
Nagkaroon lang ng pag-uusap kung ano ang plano nito after niyang mag-Ms. Universe.
Napapag-usapan kung ano ang vision ng Kapamilya network sa career ni Pia 10 years from now.
“Wala pa silang sinasabing projects na gagawin. Hindi naman ‘yung Darna,” sagot sa amin ni Jonas.
“Nag-usap-usap lang… Kasi si Pia talaga ang ambassadress ng Ms. Universe, eh,” dagdag na pahayag ni Jonas.
“Kami pa rin naman ni Pia ang may say eh, pero with the approval pa rin ng IMG,” tugon ni Jonas.
Nandiyan nandiyan daw ang interes ni Pia na umarte, pero depende pa rin daw sa project.
Kung si Jonas ang masusunod, mas gusto sana niya sa hosting. Pero wala raw talaga sa pag-uusap ang Darna.