PIA, NABALISA SA ‘KAMBAL’ NI MARLON

Pia Wurtzbach

NAKARATING na kay Miss Universe 2015 Pia Wurztbach ang matagal na na­ming narinig na tsismis na may dalawang anak daw ang boyfriend niya si Marlon Stoockinger.

Ang tsismis na narinig namin, nabuntis daw ni Marlon ang isang magandang mo­del at nagkaroon daw sila ng anak na kambal.

May kaibigan kaming kamag-anak si Marlon at nagulat din siya dahil wala raw silang alam na may anak na ito.

Hindi raw niya narinig na napapag-usapan iyun sa pa­milya.

Kaya nagulat din si Pia nang natanong ito sa kanya sa event ng Downy na dinaluhan niya kamakalawa nang gabi.

Wala raw siyang alam sa ganung tsismis, at hindi raw ito nabanggit ni Marlon ito sa kanya.

Halatang upset ang Ms. Universe sa intrigang iyun at nagtataka siya bakit pati si Marlon ay nasasangkot sa ganu’ng isyu.

“I really don’t understand why people would have anything bad to say about us because I think we are just a reflection of eve­ry other couple. We are happy,” pakli ni Pia.

Ini-enjoy lang nila ni Marlon ang relasyon nila, at napatili na lang siya nang tinanong kung nakikita ba niyang si Marlon na ang lalaking mapapangasawa niya.

“Oh no! We haven’t talked about that!

“I’m not thinking about that as well. I’m very career-driven. My focus right now is my work. Marami pa akong gustong ma-achieve sa trabaho.

“Wala pa ‘yun. Bata pa ako. Huwag muna,” bulalas ni Pia.