Pia nakaka-el

Bago pa nakapukaw ng atensyon si Miss Universe 2015 Pia Wurztbach sa kanyang kasuotan sa kakatapos na ABS-CBN Ball, nag-ingay na talaga siya sa social media.

May pa-silhouette photo siya habang nakatayo sa all glass window suot ang isang two piece bikini underwear.

Ang sumunod naman ay sa ibabaw ng pool habang sakay ng isang salbabida.

Kahanga-hanga at nakaka-el ang body form ni Pia habang nakaliyad. Kitang-kita ang ganda ng kanyang katawan.

Walang anumang fats sa kanyang tiyan at kurbang-kurba ang kanyang pigura.

Parang hindi nauubusan ng alindog si Pia. Palagi itong may bagong ipinapakita sa kanyang kaseksihan.

Si Pia talaga ang matatawag na reyna kahit saang anggulo. Hindi puwedeng kabugin ang mala-Dyosa niyang kagandahan.

Mahirap lagpasan o pantayan ang level ng kaseksihan ni Pia, parang tubig sa dagat na hindi natutuyuan. Habang tumatagal ay lalo pang nagningning ang kanyang kariktan.