Pia, nase-sepanx sa Miss Universe sash

Kylie Versoza, Megan Young at Pia Wurztbach

DUMATING ang ilang kandidata ng Miss Universe para sa kickoff event kamakalawa nang gabi sa S Mason Mall sa Conrad Hotel, Mall of Asia Complex, Pasay City.

Kabilang riyan sina Miss USA Deshauna Barber, Miss JAPAN Sari Nakazawa, Miss AUSTRALIA ­Caris Emily Tuvel, Miss NEW ZEALAND Tania Pauline Dawson, Miss KOREA Jenny Kim, Miss THAILAND Chalita ­Suansane, Miss MALAYSIA Kiran Jassal, Miss VIETNAM Dang Thi Le Hang, Miss INDONESIA Kezia ­Roslin Warouw at Miss MYANMAR Htet Htet Htun.

Na-late ng dating si Miss CHINA (Li Zhenying) dahil nagkaproblema raw ito sa papeles.

Syempre, nasa kickoff event din ang ating manok na si Maxine ­Medina.

Ang Ms. Universe 2015 Pia Wurztbach ang nag-welcome sa kanila.

Ngayon pa lang ay hindi pa niya maisip na malapit na niyang i-relinquish ang kanyang korona bilang Ms. U.

Nase-sepanx?!

Bahagi ng pahayag ni Pia, “You know, I’m not quite ready to give up this sash.

“I haven’t thought of that moment yet but it’s nice to hear that they (Miss Universe Organi­zation) will miss me.”

Excited si Pia sa pagsisimula ng Ms. Universe dahil mala­king bagay ito para sa ating bansa.

“Umpisa pa lang ‘to, guys. It’s only December so let’s keep the momentum going,” sabi pa ni Pia.

Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya pagkatapos ng Ms. U, pero baka mama­lagi muna siya sa New York pagka­tapos ng kanyang reign.