
NASA Amerika si Ms. Universe Pia Wurztbach nang ipinalabas ang life story nito sa MMK na ginampanan ni Liza Soberano.
Mukhang nag-rate ang episode dahil ang daming nag-react at nagpasalamat si Liza sa lahat na mga nanood lalo na kay Pia.
Nabasa namin sa Fashion Pulis na kabilang sa mga nag-react ay ang half-brother ni Pia at ang asawa ng kanyang amang sumakabilang buhay na.
Tinawag nilang sinungaling ang Ms. Universe 2015 dahil sa pinalabas na masama ang kanyang ama.
Nasa Facebook account nitong si Alexander Wurtzbach ang shout nitong gustong iparating kay Pia.
Tinawag niyang LIAR si Pia dahil sa gawa-gawa lang daw ang kuwento nitong humihingi pa raw ng tulong sa kanya ang ama nu’ng nagkasakit ito.
Pinapalabas pa raw na masama ang kanilang ama, pero sinasabi naman ni Pia na mahal pa rin niya ito.
Pinagsabihan pa si Pia nitong half-brother niyang si Alexander na huwag nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach kung palalabasin lang na masama ang kanilang ama.
Pati ang ina ni Pia ay nadamay dahil meron pang nag-react at pinagbintangan ding mas may kasalanan ito kaya iniwan sila ng kanyang ama.
Nasa thread din ang pag-uusap ng isang babaeng si Robbie Asingua na nagpakilalang huling asawa ng ama ni Pia bago ito pumanaw.
Bisaya ang pag-uusap nila, at tinawag niyang BAKAKON si Pia, na ang ibig sabihin ay sinungaling.
Nagbanta pa itong magpa-interview para lumabas daw ang buong katotohanan.
Sinabi niyang never ito humingi ng tulong sa Ms. Universe, kahit may sakit na ito.
Baka meron lang daw nanghingi kay Pia na ginamit lang ang kanyang ama.
Pero nu’ng nabubuhay pa raw ito at may sakit, hindi raw talaga ito lumapit kay Pia para humingi ng tulong.
Hanggang sa namatay ang ama nito, kahit isang singkong duling ay wala raw pinadala ang beauty queen.
Wala pang sagot si Pia kaugnay rito. Nasa New York siya kasama sina Megan Young, Kylie Versoza, at ang manager nilang si Jonas Gaffud para daluhan ang Independence Day doon ng mga kababayan natin.
Nagparada sila sa New York kamakalawa bilang selebrasyon ng Philippine Independence doon.
Si Pia ang mas pinagkakaguluhan doon kahit mas maganda si Megan sa kanilang tatlo.
Walang ipinu-post si Pia na sagot kaugnay sa isyung ito sa kanyang ama.
FACE TO FACE…WHO’S LIAR……..^_^
Pati pwet ni Pia ..broken na rin…har har har!
A BROKEN BEAUTY FROM A BROKEN FAMILY