Pia, puwede talaga nating ipagmalaki

Pia Wurtzbach
AiAi Delas Alas
AiAi Delas Alas

SA iba’t ibang social media sites, bumulaga at gumulantang sa sensibilities ng balana ang patikim na trailer para sa indie movie na Area.

Bida rito ang comedy queen Ai Ai de las Alas at ang dramatic actor na si Allen Dizon.

Ang initial na reaksyon ni Ms. Ai tungkol sa movie trailer, “Di ba kakaluha at saka may bagsak-panga factor lalo na sa bandang huli at saka may kilabot na taglay.

“Trailer pa rin lang ang napapanood ko, ‘di pa ang buong pelikula. Masaya ako siyempre ‘yung trailer namin, ang daming views.

“Curious ang mga tao about it.”

Sa nasabing movie­ clip, maliban sa mga makukulay na buhay of the aging sexual flesh traders at mga linyahang Kapampangan, maigting ang dramahan at sexual congress scenes sa pelikula. Wagas na wagas na aktingan at may pumping scenes pa, huh?!

Patuloy na chika ni Ms. Ai, “Iba ako talaga rito lalo na kung ikukumpara sa mga guesting ko sa drama anthologies at ‘yung sa huli kung indie na Ronda.

“Nahirapan ako dito kasi maraming nuances sa akting. Maraming paghalukay sa damdamin ko, sa kaibuturan ko. Inaamin ko, may eksenang na-take two ako, kasi feeling ko, off ako sa timing.”

Dagdag kwento pa niya, “Ang daming mga eksena rito na ‘di ko makakalimutan like ‘yung eksenang nawala ‘yung pera ko, moment ‘yun.

“Yung eksenang sinabi kong na-take two ako, ‘yung nakita ko na ang anak, panalo ‘yun.

“May isa pang secret na eksena na di ko pa pwedeng i-share. Siempre, may ilang scenes na may skin at flesh exposure ako na done in good taste.”

Eh kumusta naman ang love scene nila ni Allen Dizon?

“Yung sa amin ni Allen, ay! Kaabang-abang din ‘yun pero wa na ako chika about it.

“Panoorin na nila. Ibang klaseng pelikula talaga ang Area. Ibang experience ito para sa akin.”

Ang wish ni Ms. Ai para sa movie, “Sana makapasok siya at ma­ging one of the official entries para sa MMFF. Pag nangyari iyun, bonggang-bongga.”

***

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Isa ang diva that you love sa mga entertainment press na inimbita­han para sa get together ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson na ginanap sa kanyang mansion sa Corinthian Gardens.

In fairness to the mansion, kahit pa alam na alam mong mamahalin ang mga furniture at fixtures rito, mataas ang kisame at parang walang alikabok.

Hindi amoy luma o matanda. May ­homey vibe ito.

Hindi nakakailang to be in it. ­Damang-dama mo na welcome na welcome ka.

Mababait, magagalang at service with a smile ang staff. Ang man of the house, generous to serve the best food, wine and genuine warmth and kindess para sa kanyang media guests.

Free wheeling ang chikahan na nangyari at first subject matter of course, ang Ms. Universe 2017.

“Ibinabalik ko lang lahat ng blessings na natatanggap ko. Saan ko naman gagamitin ang mga na-acquire ko?

“Dapat sa mga proyektong sa tingin ko ay makakatulong sa bansa at sa mas maraming Pinoy sa mundo.

“Itong Ms. Universe, matutulungan ang bansa natin sa aspeto ng turismo. May mga mabibigyan ng trabaho.”

Aniya pa, “Makakatulong rin ito sa maganda nating imahe sa buong mundo. Syempre, ang kasunod noon ay mga foreign investors.

“Iikot lang iyan, kaya hindi nakakapanghinayang na mamuhunan.”

US$12M ang kailangang ma-raise para sa timpalak kagandahan.

Chavit Singson
Chavit Singson

Kwento ni Ginoong Singson, “Marami na ang nag-pledge ng tulong o sponsorship. Yung mga casino at mga hotels nila, okay na lahat. Kasi, du’n titira ang mga kandidata.

“May mga businessmen na nangako na rin ng financial sponsorship. Ako lang ang naggarantiya sa hala­gang $12M.

“Kumbaga sa ano, ako ang maglalabas kung walang mag-i-sponsor.”

Naikuwento rin ni Ginoong Singson ang tungkol sa pagkikita nila ni reigning Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Oo naman, dahil part siya ng Miss Universe, eh. Siya ang magte-turn over kasi sa bagong mananalo.

“Kaya nag-interes ang Miss Universe dito dahil si Pia ang magte-turn over,” sabi ni Sir Chavit.

Dagdag pa niya, “Isang beses ko pa lang siya na-meet. Maganda si Pia, puwede talaga nating ipagmalaki.”

Of the many things na napag-usapan nung special dinner with the press, ang hindi ko mali­limutang statement ni Sir Singson ay ‘yung sagot niya sa tanong na how does he want to be remembered.

Ang sagot niya, “Gusto kong maalala nila ang isang tao na nagsasabi at gumagawa ng totoo. Hindi ako sinungaling, hindi ako masamang tao!”