CONFIDENTLY beautiful si Pia Wurtzbach sa purple one-shoulder dress sa opening ng New York Fashion Week 2016 sa US.

Rumampa ang ating Miss Universe para sa designer na si Nicholas Kunz.

Ang ganda-ganda pa rin ni Pia pagkatapos niyang rumampa, base sa pic na pinost niya sa Instagram.

Walang bakas ni Haggardo Versoza!

***

Libing Diva ng Nueva Ecija versus Songbird ng Pasay!

Biritan sa baha ang paghaharap nila sa #Like ngayong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Malulunod kaya sila sa kaba o lulutang ang galing nila?