Pia sabik idisplay ang body

NI: NONIE NICASIO

Piyesta na naman ang mga barakong naglalaway sa hot babe. Base ito sa masisilip na Instagram post kay Pia Wurtzbach.

Suot ang yellow skimpy two piece bikini, umaapaw sa sex appeal ang dating Miss Universe.

Sa tuwina’y pansinin ang malulusog na boobs ni Pia, pero this time, pati ang panlaban niyang wow na wow na legs at makurbang katawan, sadyang panggigigilan ng mga kalalakihan.

Isang mapang-akit na babae ang mabibistahan sa larawang ito ni Pia.
Iba talaga ang hotness ni Pia, tunay na pampainit sa mga boylet ang taglay niyang alindog.

Nabanggit din ng aktres/beauty queen sa isang photo niya ang, “The queen of sea.” Kaya tila kabilang si Pia sa mga beach babe na atat na atat na talagang irampa ang kanilang sexy bod sa dagat, kapag safe na safe na talaga ang atmosphere sa galaan.

Suwerte ang bagong BF niyang si Jeremy Chaucey, na tiyak na kinaiinggitan ng maraming kalalakihan.

Si Pia kasi ang tipo ng babaeng hindi nakakasawa ang beauty, bagkus ay hahanap-hanapin ito ng mga boylet na makakasilip sa kanyang alindog.

Maraming member ng opposite sex ang talagang hindi makapagpipigil na
humanga sa kanyang stand-out na ganda. (Nonie Nicasio)