Pia, wonderful ang buwelta sa nagmagandang basher

Pia Wurtzbach
pia-wurtzbach
PIA WURTZBACH

PALAKPAKAN na may kasamang sigawan para sa reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.

True to her being the Universe’s most beautiful ang kanyang reply sa isang nagmamaganda pero hindi yata kagandahang basher.

Nag-opinyon kasi si Queen P tungkol sa walang katapusang persecution kay Jessy Mendiola.

Ang say ni Pia, “Seriously though, enough with the Jessy Mendiola hate. Confident Filipinas should be celebrated, not condemmed.”

Ang isa niyang follower na The WHO, ang tanong, “Before you join with this issue, alam mo ba kung bkt ayaw ng tao sa kanya? sagot!”

Ang sagot ni Queen P, “Thank you for this wonderful question. Buhay po nila ‘yan. Sila ang nakakaalam ng totoo. Hindi ako. Hindi ikaw. Thank you.”

Tameme ang The WHO.

Kabog!

Kasi naman. kayong mga basher, huwag mag-opinyon sa lahat ng mga bagay at magtanong na parang alam ninyo ang tunay na pagkatao of the artistas and personalities na pinapansin ninyo.

Hindi ninyo sila kaanak, kapatid, kadugo, kapamil­ya, o kapuso pero kung makakuda at makatalakitok, parang katabi ninyo silang matulog, kasabay maligo, nakita ninyo ang itsura pag nakaupo sa trono at iisa ang toothbrush na ginagamit ninyo.

Bago mag-opinyon at pumuna, tumingin muna sa salamin. Kumilos ayon­ sa iyong ganda.