Game 2 ngayon­ (Smart Araneta ­Coliseum)
— Best Player of the Conference/Best Import awarding
6:30 p.m. — Meralco vs. Ginebra

Nagbanta ng matinding buwelo ang Ginebra para hatakin ang 1-all deadlock kontra Meralco sa PBA Governors Cup best-of-seven Finals.

Itinaob ng isang diehard Ginebra fan ang ­official’s table sa ‘di nagustuhang tawag ng referee noong opener. Nahuli siya ng security personnel at pinalabas sa Smart Araneta Coliseum kaya mas malamang ay hind­i na niya napanood ang 114-109 overtime loss ng Gin Kings, Biyernes ng gabi.

Aminado si Tim Cone na masaklap ang talo lalo’t sa 12-4 blitz lang ng 5-minute extra period sila tumukod tapos ang inakala ng lahat na easy win. Lumayo ang crowd favorites ng 16 sa third at 14 pa halfway sa fourth.

“We’re certainly disappointed with our play in Game One, especially in that fourth quarter and overtime, but we’re not discouraged,” text message ng two-time Grand Slam mentor, na ‘di na dumating sa post-game interview at mula dugout ay sinalisihan din ang mga nagtangkang mag-ambush interview sa kanya.

Tumagay si LA Tenori­o ng career-high 36 points, kabilang ang floater sa regulation na humatak sa 102-all at OT. Pero nabokya siya sa ­extension nang makaapat lang si Justin Brownlee tungo sa 17.

Umalagwa sa extra ­period si Allen Durham at tumapos ng 46 points para sa Bolts.

“We feel we have a lot more to show in Game Two,” garantiya ni Cone, na nakatoma ng 14 mula kay  Mark Caguioa at 13 pa kay Joe Davance.

Si Japeth Aguilar ay naka-six points bago ­natawagan ng sixth foul sa kasagsagan ng rally ng Bolts.

Markado na ni Cone si Durham, kailangan itong maigapos.

“Needless to say, however, we need to find an answer to Durham. He was just too dominant for us to overcome,” panapos niya.

Pero plantsado na rin ang plano ng Meralco.

“We will just focus all our energy on winning Game Two,” giit naman ni Bolts coach Norman Black. “We know that Ginebra will come out strong so we have to be prepared. Our focus will be on playing better in Game Two than we played in Game One, and also try to slow down LA.”