Pikon na: Joshua todo awat kay Julia

Napikon ang aktres na si Julia Baretto sa isang troll account na walang tigil na namba-bash sa kanya.

Tinawag kasi ang aktres na walang kuwentang babae at nagsasakit-sakitan para hindi umano makadalo sa 21st birthday ni Joshua.

Pero sa kaarawan ni Joshua na inihanda ng Tropang Joshua sa Fernwood Gardens ay dumalo ang aktres. Nagbigay pa siya ng napakatamis na mensahe.

Hindi na nakatiis ang aktres at nag-tweet.

Aniya, “Oh Cherry. I did say I was sick but did I ever say I couldn’t make it? Are u mad at the fact that I’m sick or the fact that I’m the woman who owns and holds the heart of Josh? See u later. I won’t be too hard to find, I’ll be the beautiful woman holding his hand.”

Sisiguraduhin pa umano ng aktres na makakarating kay Joshua ang lahat.

“Oh and I’ll make sure Joshua sees this.
“Have a great day,” pagbabanta niya.

Samantala, mukhang hindi nagustuhan ng aktor ang pagpatol ni Julia sa troll account.

“This is not funny para sa araw na to. Stop this,” pang-aawat ng aktor.