Mga laro bukas:
(Malolos Sports and Convention Center)
2:00 p.m. – Foton vs Cignal
4:00 p.m. – Sta. Lucia vs PLDT
6:00 p.m. – Generika-Ayala vs UVC

Pinahaba ng last year’s runner-up F2 Logistics ang winning streak sa apat matapos hatawin ang 25-20, 25-20, 26-24 win kontra Foton Huwebes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 20198 Grand Prix elims sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagsanib puwersa sina former best import Lindsay Marie Stalzer at local Alexine Danielle Cabanos upang tulungan ang pilay na Cargo Movers na ilista ang malinis na apat na panalo at manatili sa top spot kasama ang defending champion Petron na nagwagi sa unang laro.

Nagtala si Stalzer ng 17 attacks at isang service ace habang kumana si Cabanos ng 20 excellent sets at apat na service aces upang mapagtakpan ang pagliban nina Charlene Cruz Behag (shoulder injury), Kim Kianna Dy (injured knee) at Kim Fajardo (fractured finger).

Pangalawang laro pa lang ni Stalzer sa F2, nagpakitang gilas agad sa kanyang unang laro nang talunin nila ang United Volleyball Club, 23-25, 25-23, 25-21, 25-22, noong Martes, tumikada ang American spiker ng 30 markers.

Nalasap naman ng Tornadoes ang pangatlong talo sa apat na salang sa event na inisponsoran ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.