‘Piling Lucky’ ng ‘It’s Showtime’ walang permit ng DTI

Hugas-kamay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kapalpakan ng ‘Piling Lucky’ portion ng programang ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN.

Sabi ng DTI, hindi ito nag-isyu ng sales promotion permit para sa ‘Piling Lucky’ promo.

Dagdag pa ng DTI, ang mga game sa variety show ay hindi kailangang kumuha ng sales promotion permit maliban na lang kung ang game segment ay sponsored ng isang kompanya.

“DTI did not issue a sales promotion permit for the ‘Piling Lucky Promo’ of Showtime,” tweet ng kagawaran. “Based on RA 7394, games on the variety show doesn’t need to secure a sales promotion permit except those games segment under a sponsorship of consumer products, services, and credit facilities.”
Gigil na gigil ang ilang mga netizen sa nangyari sa ‘Piling Lucky’ segment ng ‘It’s Showtime noong Biyernes nang wala sa mga pagpipiliang premyo ang negosyo package.

Humingi ng paumanhin ang director nitong si Bobet Vidanes sa pagkakamali at nagpasya ang production na ibigay sa player na si Ginalyn Canillo ang negosyo package. (Eileen Mencias)