“‘Pag hindi ko nakontrol ito sa panahon ko, sa generation ko delikado na ang Pilipinas.”

Ito ang binigyang diin ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng puspusang giyera na inilunsad nito laban sa iligal na droga.

Sa wake visit ng Pa­ngulong Duterte sa pulis na nasawi sa kampanya kontra iligal na droga na si PO1 Gary Cabaguing sa Catbalogan, Samar ay muling iginiit ng Pangulo na nakakasira ng pamilya ang droga at kapag naghiwalay ang nanay at tatay, ang social problem ay naipapasa sa mga anak.

Kahit ang tatay lamang aniya ang na-addict, ang problema ay hindi nagta­tapos sa ama at sa droga.

“Itong droga na ito is not just a police matter, police action it is a war being wage against greed natin yung tayo pati ‘yung mga tao na ‘yung corrosive effect ng droga has entirely place in jeopardy naalangan na ang next generation,” pahayag ng Pangulong Digong.

“Pag wala ‘yang tatay buwang na ang pamil­ya niya. Sira na ang mga bata. Hindi na makapag-aral wala ng maghanapbuhay.

I said it place the fa­mily in dysfunctional state diyan ako galit… Itong mga human rights na mga pu…. inang ‘to ang bini­bilang lang nila ang buhay ng isang kriminal na lumaban maraming namatay dahil lumaban. Kasi papata­yin talaga sila ng pulis pagka lumaban ngayon.

Pati ‘yung mga patayan na wala naman tayong pakialam nasali na nang nasali,” dagdag ni Presidente Duterte.

Kagaya aniya ng mga napapatay na binabalot ng plastic at nilalagay ng sako ang ibig sabihin umano nito ay may galit ang mga may kagagawan nito.

“…kayong lahat dapat kayo na mismo dapat ang maghanap at pumatay ng mga durugista na ‘yan …Simple lang ang tanong ko who give you the right to manufacture shabu and sell it to my children.

Sagutin mo nga ako maski na itong si (Sen. Leila) De Lima… ‘wag na tayong magpatayan give me the answe­r anong nagawa ng mga tatay pati nanay na ito sa iyo,” hirit ni Pangulong Duterte.

3 Responses

  1. totoo talamak na ang droga problema na ito ng sambayanan Pilipino,, bakit sa droga mo pakakainin ang pamilya mo.. binuhay mo ang pamilya mo sinira mo naman ang ibang pamilya? Dimonyo na ang nasa ulo ng mga ito,,

  2. totoo yan, dito sa compound namin tahimik kaming nanirahan pero dahil sa kamag anak na mag tiyuhin na parehong pusher at adik nasira ang magandang samahan ng magkamag anak dahil ang nanay ng adik ay kumampi sa adik nyang anak na nakasaksak sa aking byenan. bigla na lang syang nag amok dahil high sa droga at sinaksak ang byenan ko dahil nakikialam daw sya transaksyon nya…itong mga adik na to ay magnanakaw din to sustain their vices..yong tiyuhin na nag didilerio na nakakakita na ng mga dwende daw sa bahay nya at may baril at nagpapaputok tuwing madaling araw…

    1. bakit di mo i salvage…ginawan kana pala ng masama magpakasama kana rin, uso ngayon yan, yan ang gusto mo di ba? yan ay ayon sa pagtira mo sa mga pari gawin mo!