Pansamanatalang isasara ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. ang Tabangao refinery nito sa Batangas.
Sa isang pahayag sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng Shell na malaki ang binagsak ng kita nito sa refining simula nang nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Dahil sa lockdown, kumonti ang nangangailangan ng gas at krudo sanhi ng limitadong transportasyon.
“Pilipinas Shell will continue to reinforce its financial resilience through cash conservation measures to position the company for the subsequent economic recovery of the Philippines from the crisis,” sabi ng kompanya.
Dagdag nito, noon pa sila naghanda para makaresponde sa iba’t ibang pangangailangan ng negosyo at kaya nitong palitan ang diskarte kaagad. Sabi ng Pilipinas Shell, may kakayanan na itong itigil ang refinery production at pagtuonan muna ang full importation ng petrolyo sa ngayon dahil mas makatitipid ito.
Binuksan ng Shell ang North Mindanao import facility nila noong 2016 at malaki ang magiging papel nito ngayon sa operasyon ng kompanya na siniseguro na pangangatawanan nto ang minimum inventory requirement na inoobliga sa kanila ng pamahalaan.
Dagdag nito, isang buwan nilang isasara refinery sa Tabangao, Batangas. (Eileen Mencias)