Hinarang sa Dubai Airport si House Minority Leader Benny Abante para sa connecting flight nito patungong Jeddah, Saudi Arabia bunsod temporary ban na pinatupad dito bilang pag-iingat sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa ulat, sa Dubai pa lang ay inabisuhan na sila na dalawang oras pa lamang nang ipinatupad ang 48 oras na ban sa mga Umrah pilgram na magtutungo sa Saudi.

Nakipag-ugnayan na diumano ang kongresista sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah para sa ma­bigyan ng visa ang kongresista at mga kasama nito habang pinalilipas ang entry ban.

Nabatid na magtutungo sa Jeddah para maki­pag-usap sa iba’t ibang organisasyon ng mga Pi­lipino kaugnay sa binubuong Department of Overseas Filipino Workers. (Issa Santiago)