Pinadlak, 3 anak todas sa nasunog na bahay

Patay ang tatlong magkakapatid na paslit makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Barangay Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, alas-nuwebe ng umaga nang maganap ang insidente sa Brgy. Camanga, Dumalinao.

Ang nasawing mga biktima ay kinabibilangan ng isang 8-anyos na babae at dalawa nitong kapatid na nasa edad 4 at 3.

Ang nasunog na tahanan, ayon kay Galvez ay pag-aari ng mag-asawang Bitzusa at naiwan ang mga anak na walang kasama.

Sa pahayag ng kapitbahay ng mga biktima, nagulantang na lamang sila nang makitang nila­lamon ng apoy ang tahanan ng mag-asawa kung saan sinasabing nakapad-lock sa loob ang tatlong anak.

Nabigo nang mailigtas ang mga bata nang mabilis na mabalutan ng apoy ang buong kabahayan. (Edwin Balasa)